“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso…
Extension ng puso ang tenga,
kaya kapag marunog kang makinig,
marunong kang magmahal…”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi
ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”
”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”
“Walang taong manhid.
Hindi niya lang talaga maintindihan
kung ano ang gusto mong iparating
dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
“Kapag pinag-aagawan ka
malamang maganda o gwapo ka.
Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait.
Sa marunong hindi sa matalino.
Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
“Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
“Mahirap magpatupad ng batas,
pero madali maghanap ng violations
kapag oras na ng sisihan.”
“Kung hindi mo alam kung sino ka,
paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
“Nalaman kong maswerte ako
dahil pinaglaro at pinag-aral ako
ng mga magulang ko nung bata pa ako.
Hindi pala lahat ng bata e
dumadaan sa kamusmusan.”
”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa
o maglakad sa bubog nang nakayapak,
pero wag na wag kang susubok mag-drugs.
Kung hindi mo kayang umiwas,
humingi ka ng tulong sa mga magulang mo
dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier
at hindi ka nila iisahan.”
“Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”
“Kung hindi mo mahal ang isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Huwag mong bitawan ang bagay na
hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.
Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya,
naunahan ka lang.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo
wag ka magreklamo.
Kasi may mga tao rin na
di mo mahal pero mahal ka..
Kaya quits lang.”
“Hindi porke’t madalas mong ka-chat,
kausap sa telepono,
kasama sa mga lakad
o ka-text ng wantusawa
eh may gusto sayo
at magkakatuluyan kayo.
Meron lang talagang mga taong
sadyang friendly,
sweet, flirt, malandi,
pa-fall o paasa.” -
“Huwag magmadali sa babae o lalaki.
Tatlo, lima, sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo
at maiisip mong hindi pala tamang
pumili ng kapareha dahil lang
maganda o nakakalibog ito.
Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao
higit sa anuman.
Sa paglipas ng panahon,
maging ang mga crush ng bayan
nagmumukha ding pandesal,
maniwala ka.”
“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule,
kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority.”
“Mahirap pumapel sa buhay ng tao.
Lalo na kung hindi ikaw yung bida
sa script na pinili nya.”
“Alam mo ba kung gaano kalayo
ang pagitan ng dalawang tao
pag nagtalikuran na sila?
Kailangan mong libutin
ang buong mundo
para lang makaharap ulit
ang taong tinalikuran mo.”
“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan,
at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
“Kung nagmahal ka ng taong
di dapat at nasaktan ka,
wag mong sisihin ang puso mo.
Tumitibok lng yan para mag-supply
ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy
at ang sisisihin mo naman
ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo,
mali ka pa rin! Bakit?
Utang na loob!
Wag mong isisi sa body organs mo
ang mga sama ng loob mo sa buhay!
Tandaan mo: magiging masaya ka lang
kung matututo kang tanggapin
na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo
ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo,
kundi IKAW mismo!”
“Ang pag-ibig parang imburnal…
nakakatakot mahulog…
at kapag nahulog ka,
it’s either by accident or talagang tanga ka..”
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral.
Kung di mo pagtitiyagaan,
limang dekada ng kahirapan ang kapalit.
Sobrang lugi.
Kung alam lang yan ng mga kabataan
sa pananaw ko ay wala ng
gugustuhing umiwas sa eskwela.”
“Nalaman kong hindi pala exam
na may passing rate ang buhay.
Hindi ito multiple choice,
identification, true or false, enumeration,
o fill-in-the-blanks na sinasagutan,
kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama
o mali ang sagot,
kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga naisulat o wala.
Allowed ang erasures.”
“Mangarap ka at abutin mo ito.
wag mo sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta
o mga lumilipad na ipis…
kung may pagkukulang sayo ang magulang mo,
pwede kang manisi at magrebelde,
tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka,
magpakulay ng buhok sa kili-kili…
sa bandang huli, ikaw dinang biktima…
rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Mag-aral maigi;
kung titigil ka sa pag-aaral,
manghihinayang ka sa pagtanda mo
dahil hindi mo naranasan
ang kakaibang ligayang dulot
ng mga araw na walang pasok
o suspendido ang klase o absent ang teacher.”
“Kung paniniwalaan namin kayo
na hindi naglaro ng tubig
kahit na basa ang damit n’yo,
kayo ang niloloko namin;
hindi kayo ang nakapanloloko.”
“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “
0 comments on "BOB ONG LINES"
Post a Comment