CHATBOX

Showing posts with label TAGALOG. Show all posts
Showing posts with label TAGALOG. Show all posts

Tuesday, February 9, 2010

Sa pag-ibig...

Posted by Babyberbz at 3:09 AM 0 comments
Sa pag-ibig, 
matuto kang magbigay 
ng walang inaasahang kapalit. 
Mamaya nyan, 
kakahingi mo ng sukli sa ibinigay mo, 
baka ibalik sayo lahat ng ibinayad mo 
at iwan kang nakatanga sa isang tabi.

Tuesday, January 12, 2010

LOVE AT FIRST SIGHT?

Posted by Babyberbz at 11:10 PM 0 comments
Do you believe in
LOVE AT FIRST SIGHT?

Kasi kung hindi...

DADA-AN ulit ako...


Monday, January 11, 2010

Posted by Babyberbz at 11:54 PM 0 comments
Dalawa lang ang ibig sabihin
kapag tinitigan ka ng isang tao...

"un eh kung my MALI sayo..."
o
"May TAMA siya sayo..."

YOSI

Posted by Babyberbz at 11:29 PM 0 comments
Sana naging YOSI mo nalang ako.
If that's the only way na i can feel the
spaces in your fingers the touch of your lips.
Willing ako maging bad habbit mo.


KULANGOT

Posted by Babyberbz at 11:19 PM 0 comments
BOY: alam mo para kang KULANGOT...

GIRL: ano?! at bakit naman?!


BOY: kasi, hard to get ka eh...



If you don't want temptation to come to you...

Posted by Babyberbz at 11:16 PM 0 comments
If you don't want temptation to come to you,

Medyo dumistansya ka sakin...

Is it clear?


Monday, November 9, 2009

TAGALOG KOWTS

Posted by Babyberbz at 1:40 AM 1 comments
Ang sakit maramdaman na kahit kailan, 
hindi mo ko matututunang mahalin… 
masakit isipin na umaasa ako sa wala… 
at alam mo ang pinakamasakit? 
ang makita kang masaya pag nandiyan siya…
 
sabi mo mahal mo ko, 
naniwala naman ako. 
sabi mo di mo ko iiwan 
ang sabi ko, “oo,aasahan ko yan ah!” 
pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at
narinig pa ang mga sinabi mo sa kin 
sinasabi mo rin sa iba!

Tumingin ako sa mga mata mo… 
at nakita ko ang mga luha habang iniiyak mo ang
sakit na nararamdaman mo. 
Nilapitan kita at sinabi, “tahan na…” 
at tinanong mo ko, “hindi ba puwedeng mahalin niya rin ako?” 
at sinabi ko lang, 
“yan nga rin dapat itatanong ko sayo, eh…”
 
mahirap kapag iniwan mo ang 
taong minahal mo ng totoo…
nung sinabi mo sa kanyang ayaw mo na, 
akala mo pipigilan ka nya pero nagkamali ka, 
niyakap ka lang nya at sinabing: 
yan din ang sasabihin ko, naunahan mo lang ako.
 
sana akin ka, para hindi ka na iiyak…
sana akin ka, para hindi ka na masasaktan…
sana akin ka, para hindi ka na aasa…
ngunit sana ako na lang siya…
na minahal mo ng sobra!!!
 
Pinilit kong maging sya, 
ginawa ko lahat sa’yo katulad ng ginawa niya, 
minahal kita higit pa sa naibigay nya,
tinanong kita kung KULANG PA BA? 
sinagot mo kong..”tama na,hindi ka naman siya..” =(

noon sabi mo, hindi kita iiwan.
Magkasama tayo kahit na anong laban…
ipagtatangol, proprotektahan… 
naniwala naman ako…nasiyahan… 
yun pala hindi na natin kailangan ng laban….
Dumating lang siya… 
alam ko na kung sinong talunan..
 
sabi nila masakit pag di ka nakikita ng mahal mo.. 
dahil may tinitignan pa siyang iba.. 
pero mas masakit pala, 
yung kahit wala na siyang tinitignang iba, 
di ka pa rin nya makita..

ang hirap sagutin ng tanong na ‘bakit’. 
ang hirap din tanggapin ang mga sagot ng ‘bakit’. 
ang hirap din maghanap ng lunas sa sakit na dulot ng ‘bakit’ 
pero ‘bakit’ ba ang hirap mong kausapin? 
sasagutin mo lang naman ang tanong ko… 
‘bakit’ siya ang mahal mo? at bakit hindi ako?
 
mahal mo siya kaya siya lang nakikita mo, 
di ko naman puwedeng pagpilitan sarili ko sayo 
dahil di mo na ko mahal di ba? 
pero bakit ganon kahit mukha na kong tanga 
habang minamahal mo sya, 
bakit ganon MAHAL PA RIN KITA?..



 

BOB ONG LINES

Posted by Babyberbz at 12:43 AM 0 comments
“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso…
Extension ng puso ang tenga,
kaya kapag marunog kang makinig,
marunong kang magmahal…”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi 
ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, 
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”

”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba”

“Walang taong manhid. 
Hindi niya lang talaga maintindihan 
kung ano ang gusto mong iparating 
dahil ayaw mo siyang diretsuhin.” 

“Kapag pinag-aagawan ka 
malamang maganda o gwapo ka. 
Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. 
Sa marunong hindi sa matalino. 
 Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.” 

“Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”

“Mahirap magpatupad ng batas, 
pero madali maghanap ng violations 
kapag oras na ng sisihan.”  

“Kung hindi mo alam kung sino ka, 
paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”

  “Nalaman kong maswerte ako 
dahil pinaglaro at pinag-aral ako 
ng mga magulang ko nung bata pa ako. 
Hindi pala lahat ng bata e 
dumadaan sa kamusmusan.”

 ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa 
o maglakad sa bubog nang nakayapak, 
pero wag na wag kang susubok mag-drugs. 
Kung hindi mo kayang umiwas, 
humingi ka ng tulong sa mga magulang mo 
dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier
at hindi ka nila iisahan.” 

“Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.” 

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, 
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..” 

“Huwag mong bitawan ang bagay na 
hindi mo kayang makitang hawak ng iba.” 

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. 
Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, 
naunahan ka lang.”   

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo 
wag ka magreklamo. 
Kasi may mga tao rin na 
di mo mahal pero mahal ka.. 
Kaya quits lang.” 

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, 
kausap sa telepono, 
kasama sa mga lakad
o ka-text ng wantusawa 
eh may gusto sayo 
at magkakatuluyan kayo. 
Meron lang talagang mga taong 
sadyang friendly, 
sweet, flirt, malandi, 
pa-fall o paasa.” - 

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. 
Tatlo, lima, sampung taon, 
mag-iiba ang pamantayan mo 
at maiisip mong hindi pala tamang
pumili ng kapareha dahil lang 
maganda o nakakalibog ito. 
Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao 
higit sa anuman. 
Sa paglipas ng panahon, 
maging ang mga crush ng bayan
nagmumukha ding pandesal, 
maniwala ka.” 

“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, 
kailangan mo pa rin maghintay, 
kasi hindi ikaw ang priority.” 

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao.
Lalo na kung hindi ikaw yung bida 
sa script na pinili nya.” 

“Alam mo ba kung gaano kalayo 
ang pagitan ng dalawang tao 
pag nagtalikuran na sila? 
Kailangan mong libutin 
ang buong mundo 
para lang makaharap ulit 
ang taong tinalikuran mo.”


“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, 
at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

“Kung nagmahal ka ng taong 
di dapat at nasaktan ka, 
wag mong sisihin ang puso mo. 
Tumitibok lng yan para mag-supply
ng dugo sa katawan mo. 
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy 
at ang sisisihin mo naman 
ay ang hypothalamus mo 
na kumokontrol ng emotions mo, 
mali ka pa rin! Bakit? 
Utang na loob! 
Wag mong isisi sa body organs mo 
ang mga sama ng loob mo sa buhay! 
 Tandaan mo: magiging masaya ka lang
kung matututo kang tanggapin
na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo 
ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, 
kundi IKAW mismo!”


“Ang pag-ibig parang imburnal…
nakakatakot mahulog…
at kapag nahulog ka, 
it’s either by accident or talagang tanga ka..”
 

“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. 
Kung di mo pagtitiyagaan, 
limang dekada ng kahirapan ang kapalit. 
Sobrang lugi. 
Kung alam lang yan ng mga kabataan
sa pananaw ko ay wala ng 
gugustuhing umiwas sa eskwela.”


“Nalaman kong hindi pala exam 
na may passing rate ang buhay. 
Hindi ito multiple choice, 
identification, true or false, enumeration, 
o fill-in-the-blanks na sinasagutan, 
kundi essay na isinusulat araw-araw. 
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama 
o mali ang sagot, 
kundi base sa kung may kabuluhan 
ang mga naisulat o wala. 
Allowed ang erasures.”

“Mangarap ka at abutin mo ito. 
wag mo sisihin ang sira mong pamilya, 
palpak mong syota, pilay mong tuta 
o mga lumilipad na ipis… 
kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, 
pwede kang manisi at magrebelde, 
tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka,
magpakulay ng buhok sa kili-kili… 
sa bandang huli, ikaw dinang biktima… 
rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.” 


“Mag-aral maigi; 
kung titigil ka sa pag-aaral, 
manghihinayang ka sa pagtanda mo 
dahil hindi mo naranasan 
ang kakaibang ligayang dulot 
ng mga araw na walang pasok 
o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Kung paniniwalaan namin kayo
na hindi naglaro ng tubig 
kahit na basa ang damit n’yo, 
kayo ang niloloko namin; 
hindi kayo ang nakapanloloko.”


“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “



 

Monday, October 19, 2009

MGA BANAT

Posted by Babyberbz at 9:31 PM 0 comments
kung natatakot kang masaktan,
mas natatakot akong saktan ka.

aanhin mu pa ang bahay nyo,
kung nakatira ka na sa puso ko.

kung ikaw ay puno
at ako ay baging
pwd ka bang gapangin?

hindi ko habol na maging akin ka,
ang akin lang na maging iyo ako.

you seem like a sweet person....
do you mind if i taste you to find out?

nung mahalin kita, daig ko pa ang na-traffic sa edsa.....
I CANT MOVE ON.

help! something is wrong with my eyes.
i just can't take them away from u .

do u have a map?
coz baby, i just keep getting lost in your eyes.

come live in my heart and pay no rent.

SIGNS NA DAPAT NG HIWALAYAN ANG GF/BF

Posted by Babyberbz at 9:11 PM 0 comments
------- Dapat ba kaming mag-break??? -------

Halos isang taon n kayong magkasintahan. Sa umpisa,sigurado kang "siya na" ang gusto mong makasama habambuhay.Kung minsan nga, kinikilig ka kapag naalala mo kung paano kayo nagkagustuhan. Pero ngaun ,nagdadalawang isip kna.Dapat m bang ipagwalang bahala ang mga pag aalinlangang iyon?paano mo malalmn kung dpt keong mag-break??

Una, dapat mong harapin ang katotohanan:Ang pagwawalang-bahala sa masamang palatandaan sa 1 relasyon ay gaya ng pagwawalang bahala sa babalang mga signal sa dashboard ng iyong sasakyan. Hindi mwawala ang problema;malamang na lumala pa nga ito. Anu ano ang ilan sa mga masasamang palatandaan ng 1 relasyon na mahalagang bigyn m ng panxin?


1.) ANG BILIS NG TAKBO NG PANGYAYARI.
pwedeng mgkaroon ng problema kung masyadong mabilis ang ligawan:
" magkachat kami s internet,nagpapadala ng e-mail s isat isa,at nag uusap sa telepono," -isa itong halimbwa ng mabilis n pagliligwan..Mas matindi ang epekto ng mga pamamaraang ito ng komunikasyon kaysa s harpang pag uusap,kase madli nyong masasabi ang inyong mga niloloob at mas mabilis mahulog ang loob nyo s isat isa.

2.) MAPAMUNA SIYA AT MAPANLAIT.
Laging minamaliit ng ka relasyon.
" lagi akong minamaliit ng naging boyfriend ko..pero gustong gusto ko nmn xang kaxama," - Ang mapanglait n salita khit p binigkas ng mahinahon at hindi pasigaw ay hindi dapat marinig sa 2 taong nagmamahalan.

3.)SUMPUNGIN SIYA AT MADALING MAG INIT ANG ULO
. Madaling magalit ang karelasyon.
" Kapag ndi kami nagkakasundo,itinutulak niya ako,kaya kung minxan puro ako pasa," -ang isang taong kulang sa pagpipigil sa sarili ay hindi p handa sa isang relasyon.

4.) ISINISEKRETO NIYA ANG AMING RELASYON
.Privacy ang kalimitang idinadahilan ng iba dito.
"Ayaw ng BF ko na malaman ng iba na nagde-date kami." -ang pagsesekreto ay sadyang paglilihim ng inyong relasyon sa mga taong may karapatang makaalam tungkol dito.

5.) WALA SIYANG PLANONG MAG-ASAWA.
bwahaha huwag mkipagrelasyon kung ndi p handa (shocks tintamad n ko magtype haha)

6.) LAGI KAMING AWAY-BATI.
Pag nagsasawa ka n ng gnitong sitwasyon magisip isip kna.
"Napakadalas naming mag break ng BF ko kaya ang bigat bigat ng loob ko!" ang sabi nya. "Lagi ko na lang inaayos ang 1 relasyon na mas magnda sana kung wala na lang." - pag gnito na ang sitwasyon iwan mo na sya.wula ng dahilan para magpatuloi p keong 2.

7.)PINIPILIT NYA AKONG MAKIPAG SEX.
Dapat igalang ang isat isa.Kung ayaw p e d wag. hahha
" Kung mahal mo ako,papayag ka" - ayan ang karaniwang linya ng ibang taong mapilit. lolz

Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa masasamang palatandaan na hindi magiging maganda ang inyong pagsasama.

ano sa tingin nyo pa ang ibang dahilan upang malaman mo n dapat mo ng makipaghiwalay s partner mo???

PARA SA MGA SINGLE

Posted by Babyberbz at 9:09 PM 0 comments
NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA??

* SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase frEe na freE ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang haNgiN o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..

1) MASYADONG INDEPENDENT-
baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS
- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrush kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na "pang labing-isang" daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)

4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’ BAKA ngitian ka na. ibaNg istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*

5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6) MUKHA KANG LOSYANG- ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7) MASYADONG MAGALING- medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibaNg lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano baNg magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

8) SOBRANG BUSY- alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)

10) MASYADONG-MASYADO!!- masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.

11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO - naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit e… memorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*tang ina, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and. . .

PUT A LITTLE MORE!! O dba? bumabango na "bibig" nya, yeah! di na "bunganga".


MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:

12) TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga "boys" na nakapaligid sayo…

13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being "gurl na gurl". kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…

14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo.. maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka. see what i’m sayin??

HEY GIRLS...(ito ba mga klase ng manliligaw mu?)

Posted by Babyberbz at 9:04 PM 1 comments
Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!”

Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i lab u na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

Mr. Everything


linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.” gaga ka pag nagpauto
ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!

Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!! Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa “stalker” mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang “NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG..” ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… “NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!”, minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila “MA at PA” nga talaga sila, well “LITERALLY” haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.

Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.

Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun baNg tipong “ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya “ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!

Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!

Mr. Anonymous

motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha

Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”

Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)


Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan,

naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo:

Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career.. Aray ko!

Unang-una mga BOYS, PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?

credits to apokalips and lynta of spark for sharing....
 

Babyberbz Collection Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez