CHATBOX

Monday, November 9, 2009

TAGALOG KOWTS

Posted by Babyberbz at 1:40 AM
Ang sakit maramdaman na kahit kailan, 
hindi mo ko matututunang mahalin… 
masakit isipin na umaasa ako sa wala… 
at alam mo ang pinakamasakit? 
ang makita kang masaya pag nandiyan siya…
 
sabi mo mahal mo ko, 
naniwala naman ako. 
sabi mo di mo ko iiwan 
ang sabi ko, “oo,aasahan ko yan ah!” 
pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at
narinig pa ang mga sinabi mo sa kin 
sinasabi mo rin sa iba!

Tumingin ako sa mga mata mo… 
at nakita ko ang mga luha habang iniiyak mo ang
sakit na nararamdaman mo. 
Nilapitan kita at sinabi, “tahan na…” 
at tinanong mo ko, “hindi ba puwedeng mahalin niya rin ako?” 
at sinabi ko lang, 
“yan nga rin dapat itatanong ko sayo, eh…”
 
mahirap kapag iniwan mo ang 
taong minahal mo ng totoo…
nung sinabi mo sa kanyang ayaw mo na, 
akala mo pipigilan ka nya pero nagkamali ka, 
niyakap ka lang nya at sinabing: 
yan din ang sasabihin ko, naunahan mo lang ako.
 
sana akin ka, para hindi ka na iiyak…
sana akin ka, para hindi ka na masasaktan…
sana akin ka, para hindi ka na aasa…
ngunit sana ako na lang siya…
na minahal mo ng sobra!!!
 
Pinilit kong maging sya, 
ginawa ko lahat sa’yo katulad ng ginawa niya, 
minahal kita higit pa sa naibigay nya,
tinanong kita kung KULANG PA BA? 
sinagot mo kong..”tama na,hindi ka naman siya..” =(

noon sabi mo, hindi kita iiwan.
Magkasama tayo kahit na anong laban…
ipagtatangol, proprotektahan… 
naniwala naman ako…nasiyahan… 
yun pala hindi na natin kailangan ng laban….
Dumating lang siya… 
alam ko na kung sinong talunan..
 
sabi nila masakit pag di ka nakikita ng mahal mo.. 
dahil may tinitignan pa siyang iba.. 
pero mas masakit pala, 
yung kahit wala na siyang tinitignang iba, 
di ka pa rin nya makita..

ang hirap sagutin ng tanong na ‘bakit’. 
ang hirap din tanggapin ang mga sagot ng ‘bakit’. 
ang hirap din maghanap ng lunas sa sakit na dulot ng ‘bakit’ 
pero ‘bakit’ ba ang hirap mong kausapin? 
sasagutin mo lang naman ang tanong ko… 
‘bakit’ siya ang mahal mo? at bakit hindi ako?
 
mahal mo siya kaya siya lang nakikita mo, 
di ko naman puwedeng pagpilitan sarili ko sayo 
dahil di mo na ko mahal di ba? 
pero bakit ganon kahit mukha na kong tanga 
habang minamahal mo sya, 
bakit ganon MAHAL PA RIN KITA?..



 

1 comments on "TAGALOG KOWTS"

Babyberbz on Tuesday, November 10, 2009 at 11:07:00 PM PST said...

test comments

Post a Comment

 

Babyberbz Collection Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez